|
||||||||
|
||
Pinanguluhan, Abril 22, 2020, ni Li Keqiang, Premyer ng Tsina at Puno ng Leading Group sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang pulong upang talakayin ang mga susunod na hakbang ng bansa sa susunod na yugto upang mas mainam na labanan ang COVID-19.
Sinabi sa pulong na dahil sa pagtitipun-tipon ng mga tao, lumitaw kamakailan sa ilang lugar ng Tsina ang COVID-19.
Dahil dito, inihayag sa pulong na nararapat lamang na mahigpit na subaybayan ang mga pinaghihinalaang kaso, mga asimtomatikong kaso at mga close contact, para maharang ang tsanel ng pagkalat ng virus at masarhan ang mga butas sa sistema ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Tinukoy din sa pulong na dapat gawin ang malawakang pagsasagawa ng nucleic acid at antibody test, na kinabibilangan ng mga lugar kung saan nagtitipon ang mga tao dahil sa trabaho.
Lumahok din sa pulong si Wang Huning, Pangalawang Puno ng Leading group na ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |