Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Video] Kantang tampok ang pagkakaisa ng Tsina't Pilipinas sa gitna ng hamon ng COVID-19, inilabas

(GMT+08:00) 2020-04-25 11:06:55       CRI

"Ang inyong pagmamahal aking kasama,
Ang inyong kamay ay hindi ko bibitawan,
Maaliwalas na kinabukasan ating masisilayan."

Ito ay bahagi ng lyrics ng isang kanta tungkol sa pagdadamayan ng Tsina at Pilipinas sa gitna ng epidemiya ng COVID-19, na itinanghal kamakailan ng iba't ibang panig ng magkapitbansa.

Ipinamalas sa awitin ang pagkakapit-bisig ng Tsina't Pilipinas laban sa pandemiya: "Dahil sa iyong pagmamahal, na umaagos na parang alon; hawak-kamay, tayo'y patungo sa maliwanag na kinabukasan."

Ang awitin, sa wikang Filipino at Tsino, ay handog sa lahat ng frontliners sa Pilipinas at Tsina, lalo na mga tauhang medikal ng Pilipinas at mga kauuwi na Anti-epidemic Medical Expert Team ng Tsina para sa Pilipinas.

Mapapakinggan sa awitin ang magkasamang pagsubok at pagpupursige ng Tsina't Pilipinas para malapsan ang pandemiya: "Sa lamig ng kahapon, tayo ay hinahamon. Binalot ng dilim, umaasa liwanag darating. Pagdating ng liwanag, na ating minimithi, Ito'y magbibigay ng pag-asa sa bawat bansa..."

Ang Iisang Dagat ay sinulat ni Ambassador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, at magkakasamang kinanta nina Imelda Papin, kilalang singer at Camarines Sur Vice Governor; Xia Wenxin, isang Chinese diplomat ng pasuguang Tsino; Yu Bin, kilalang Chinese artist at Jhonvid Bangayan, Tsinoy singer.

Narito po ang lyrics ng Iisang Dagat:

Sa lamig ng kahapon, tayo ay hinahamon,
Binalot ng dilim, umaasa liwanag darating,
Pagdating ng liwanag, na ating minimithi,
Ito'y magbibigay ng pag-asa sa bawat bansa,
Dahil sa iyong pagmamahal, na umaagos na parang alon,
Hawak kamay, tayo'y patungo sa maliwanag na kinabukasan,
Ikaw at ako'y nasa iisang dagat,
Ang inyong pagmamahal aking kasama,
Ang inyong kamay ay hindi ko bibitawan,
Maaliwalas na kinabukasan ating masisilayan.

Sa lamig ng kahapon, tayo ay hinahamon,
Binalot ng dilim umaasa liwanag darating,
Muling sisikat ang araw ang init madarama,
Ito'y magbibigay ng pag-asa sa bawat bansa,
Dahil sa iyong pagmamahal, na umaagos na parang alon,
Hawak kamay, tayo'y patungo sa maliwanag na kinabukasan,
Ikaw at ako'y nasa iisang dagat,
Ang inyong pagmamahal aking kasama,
Ang inyong kamay ay hindi ko bibitawan,
Maaliwalas na kinabukasan ating masisilayan.

Ulat: Sissi
Pulido: Mac Ramos at Jade
Web edit: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>