Ayon sa opisyal medikal ng Santa Clara County, State of California ng Amerika, natuklasan kamakailan sa lugar ang 3 namatay sa COVID-19 na hindi pa naitala, at kabilang dito ay isang kasong namatay noong Pebrero 6.
Sinabi rin ng opisyal, na walang kasaysayan ng pagbiyahe sa mga lugar na may epidemiya ang naturang tatlong nasawi.
Nauna rito, ang unang kaso ng nasawi sa COVID-19 ay naitalang namatay noong Pebrero 29 sa Washington State. Ang kaso sa Santa Clara ay mas maaga nang mahigit 3 linggo kaysa dito.
Ang ulat na ito ay kinumpirma naman ni Governor Gavin Newsom ng California. Sinabi rin niyang, iniutos niya sa mga propesyonal na muling suriin ang lahat ng mga kaso ng pagkamatay sa California, na pinaghihinalaang may kinalaman sa COVID-19 na naganap mula noong Disyembre ng nagdaang taon.
Salin: Liu Kai