Ayon sa ulat ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, gumaling kahapon, Biyernes, ika-24 ng Abril 2020, ang panghuling kritikal na may-sakit ng COVID-19 sa Wuhan, punong lunsod ng lalawigang Hubei sa gitnang Tsina, na malubhang apektado ng epidemiya.
Kaugnay nito, sinabi ni Ma Xiaowei, puno ng naturang komisyon, na ang pagiging sero ng bilang sa kategoryang ito sa Wuhan ay isa pang tagumpay sa paglaban ng Tsina sa COVID-19.
Dagdag niya, natamo ng Tsina ang mga sulong na karanasan sa pagbibigay-lunas sa may-sakit ng COVID-19, at puwedeng ibahagi ang mga ito sa iba't ibang bansa ng daigdig.
Salin: Liu Kai