|
||||||||
|
||
Sa programang "Cabinet Report COVID-19 Special" na ipinalabas kagabi sa Radyo Pilipinas at PTV, kinapanayam ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Office of the Philippines si Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas at isinalaysay niya ang karanasan ng Tsina sa paglaban sa epidemiya, mga tulong na ibinigay ng Tsina sa Pilipinas at kooperasyon ng dalawang bansa sa gitna ng COVID-19.
Ipinahayag ni Huang na sa kasalukuyan, patuloy na bumubuti ang pagkontrol at pagpigil ng epidemiya sa Tsina at nagiging normal ang kaaayusan ng produksyon at pamumuhay. Ayon kay Huang may apat na susi ang tagumpay na ito: una, ang pagsagawa ng lockdown sa Wuhan, ay pumigil sa pagkalat ng virus sa labas; pangalawa, pagsagawa ng mass testing na layong hanapin ang potensiyal na nahawakan hangga't maaari; ikatlo, pagsagawa ng napakahigpit na Community Quarantine.
Facebook link: https://www.facebook.com/WowChinaPBS/videos/2881652388579016
Ulat: Sissi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |