|
||||||||
|
||
Matatandaang noong 2018, sa kautusan ni Xi, binuwag ang mahigit 1,100 ilegal na naitayong villa sa Qinling Mountains, at inalis sa pwesto ang ilang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa hindi pagpigil sa konstruksyong ito, na nakapinsala sa kalagayan ng naturang kabundukan.
Sa nabanggit na pagdalaw, binigyang-diin ni Xi, na ang ilegal na konstruksyon sa Qinling Mountains ay aral na dapat tandaan ng lahat ng mga opisyal sa Shaanxi, para maiwasang maulit ang katulad na pagkakamali at magtrabaho bilang tagapag-alaga ng kapaligiran at kalikasan sa Qinling Mountains.
Nitong ilang taong nakalipas, pinahahalagahan ng Tsina ang koordinasyon ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pangangalaga sa kalikasan.
Idinulot ng coronavirus pandemic ang malaking hamon sa target ng Tsina na pawiin ang kahirapan sa katapusan ng taong ito. Nitong nakalipas na tatlong buwan, bumaba ng 6.8% ang kabuhayan ng bansa. Pero, hindi ito dapat maging katwiran para ikompromiso ang pangangalaga sa kapaligiran. Hindi dapat paunlarin ang kabuhayan, kapalit ng pagkasira sa kapaligiran. Ito ay naging komong palagay ng pamahalaan at buong lipunan ng Tsina.
Tulad ng sinabi ni Pangulong Xi: "Kung hindi bibiguin ng sangkatauhan ang kalikasan, hindi naman tayo bibiguin ng kalikasan." Kahit anong kahirapan ang kinakaharap, iginigiit ng Tsina ang landas ng berdeng pag-unlad. Ang target sa kaunlaran sa taong ito ay tiyak na isasakatuparan ng Tsina, batay sa mataas na pamantayan sa mga aspekto ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, at ekolohiya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |