Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-27 ng Abril 2020, sa Geneva, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na bagama't bumababa ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Europa, at pinaluwag ng ilang bansa ang mga hakbangin ng lockdown, matagal pang matapos ang pandemiya.
Hinimok niya ang iba't ibang bansa, na patuloy na tuklasin, ikuwarantina, suriin, at bigyang-lunas ang mga may-sakit.
Sinabi naman ni Maria Van Kerkhove, puno ng Health Emergency Program ng WHO, na hanggang sa kasalukuyan, wala pang siyentipikong konklusyon, kung ang antibody laban sa COVID-19 ay makakapagbigay ng immunity o makakabawas ng panganib sa muling pagkahawa ng sakit.
Salin: Liu Kai