Sinabi kahapon, Martes, ika-28 ng Abril 2020, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na hindi magbabago ang tunguhin ng kapayapaan at kaunlaran, at hindi titigil ang proseso ng multilateralisasyon at globalisasyon, dahil sa COVID-19 pandemic. Hindi rin aniya mahahadlangan ng pandemiya ang paghangad ng sangkatauhan sa sibilisasyon at progreso.
Winika ito ni Wang sa espesyal na pulong laban sa COVID-19, na nilahukan ng mga ministrong panlabas ng mga bansang BRICS, sa pamamagitan ng video link.
Ipinalalagay din ng iba't ibang panig, na dapat igiit ng mga bansang BRICS ang multilateralismo at palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, sa harap ng COVID-19 pandemic. Dapat din ibahagi ng mga bansang ito ang mga impormasyon at karanasan, at isagawa ang kooperasyon sa pagdedebelop ng mga gamot at bakuna, dagdag pa ng mga ministrong panlabas.
Salin: Liu Kai