Ayon sa pinakahuling survey ng American Chamber of Commerce in China, American Chamber of Commerce in Shanghai, at Pricewaterhouse Coopers, optimistiko ang karamihan sa mga kompanyang Amerikano sa pagpapanumbalik ng negosyo at produksyon sa Tsina.
Kaugnay nito, sinabi kahapon, Martes, ika-28 ng Abril 2020, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, buong lakas na sinusuportahan at tinutulungan ng pamahalaang Tsino ang pagpapanumbalik ng negosyo at produksyon. Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na bawasan ang epektong dulot ng COVID-19 pandemic, at palalimin at palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Liu Kai