|
||||||||
|
||
Sinabi ni Xi, na sa pamamagitan ng napakalaking pagsisikap, nagkaroon ng masaganang bunga ang paglaban sa COVID-19 sa lalawigang Hubei, punong lunsod nitong Wuhan, at buong Tsina.
Pero aniya, malala pa rin ang COVID-19 pandemic sa daigdig, at kinakaharap ng Tsina ang malaking presyur sa pagpigil sa mga imported na impeksyon at pag-iwas sa muling pagsiklab ng sakit sa loob ng bansa.
Hiniling ni Xi, na huwag paluwagin ang pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.
Dapat aniyang isagawa ng lahat ng mga rehiyon at departamento ng Tsina ang mga detalyadong hakbangin ng regular na pagpigil at pagkontrol, para igarantiya ang ganap na pagpapanumbalik ng normal na takbo ng kabuhayan at lipunan.
Dagdag ni Xi, patuloy na magbibigay-tulong, sa abot ng makakaya, ang Tsina sa ibat-ibang bansa laban sa COVID-19, pahihigpitin ang pagsusuri sa kalidad ng mga iluluwas na kagamitang medikal, at ibibigay ang aktibong ambag sa pandaidig na kooperasyon laban sa sakit na ito.
Binigyang-diin din niyang dapat palakasin ang pagsusubaybay sa kalagayan ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat.
Binanggit din sa pulong, na malaking nagbigay-ambag at nagbuwis ng buhay ang mga mamamayan ng Hubei, lalung-lalo na sa Wuhan, para sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at nahihirapan ngayon ang lalawigang ito sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan at paggarantiya sa pamumuhay ng mga residente.
Para rito, itinakda sa pulong ang serye ng mga hakbangin bilang pagsuporta sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa Hubei, sa mga aspekto ng pananalapi, pagbubuwis, pagpapautang, pamumuhunan, kalakalang panlabas, at iba pa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |