|
||||||||
|
||
Sinabi ni Xi, na masipag ang mga empleyado ng kompanyang Yuanfang Group sa Zhengzhou, na nananatili sa kanilang trabaho bilang cleaner at property manager, sa kabila ng pagkakaroon ng COVID-19 epidemic.
Dagdag niya, kasama ng nabanggit na mga empleyado, nagbibigay ng malaking ambag sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ang mga manggagawang gaya ng mga tauhang medikal, mga manggagawa sa pabrika ng mga kagamitang medikal, mga tauhang kalahok sa iba't ibang gawain ng pagpigil at pagkontrol, sanitation workers, deliverymen, at iba pa.
Nanagawan din siya sa lahat ng mga manggagawa, na palakasin ang kompiyansa at panatilihin ang kasiglahan, para magbigay ng mas malaking ambag sa paglaban sa COVID-19 at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |