|
||||||||
|
||
Ang naturang pag-aaral ay isinagawa ng mga mananaliksik ng Pasteur Institute sa Paris, isang pangunahing sentro ng pananaliksik sa mga nakahahawang sakit, at ang resulta ay inilabas noong Abril 24.
Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang 97 genome na kinuha mula sa mga may-sakit sa Pransya mula noong Enero 24 hanggang Marso 24.
Natuklasan nilang, ang ilang imported na kaso mula sa Tsina sapul noong Enero 24 ay hindi humantong sa pagkalat ng sakit sa Pransya, at ito ay posibleng dahil sa pagsasagawa ng mabisang kuwarantina sa kanila.
Ayon sa mga mananaliksik, ang mga may-sakit sa Pransya ay may virus strain na iba sa mga strain ng mga may-sakit sa Tsina at Italya. Kabilang dito, ang pinakamaagang kasong may strain na ito ay naitala noong Pebrero 19, at walang kasaysayan ang naturang may-sakit ng pagbiyahe sa ibang lugar o pagkakaroon ng kontak sa mga taong bumalik mula sa ibang bansa.
Ipinahayag din ng mga mananaliksik, na kailangan nilang pag-aralan ang mas maraming sample, para malaman ang pinanggalingan ng pangunahing virus strain sa Pransya, at kung kailan lumitaw ito sa bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |