15 grupo ng mga ekspertong medikal, naipadala ng Tsina sa 16 na bansa para pigilan at kontrolin ang COVID-19
(GMT+08:00) 2020-05-02 09:21:56 CRI
Isinalaysay kahapon, Sabado, ika-2 ng Mayo 2020, ni Tagapagsalita Mi Feng ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, 15 grupo na kinabibilangan ng 149 na ekspertong medikal ang naipadala na ng Tsina sa 16 na bansa, para magbigay-tulong sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.
Sinabi pa ng tagapagsalita, na nakahanda ang Tsinang patuloy na makipagtulungan sa komunidad ng daigdig sa paglaban sa pandemiyang ito.
Salin: Liu Kai
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig