Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Op-Ed] Alam mo ba kung paano nakontrol ng Tsina ang COVID-19? Basahin mo'to!

(GMT+08:00) 2020-05-02 15:47:16       CRI

Rhio Zablan

Kaibigan, usapang totoong lang! Sa loob ng maikling panahon, nakontrol ng Tsina ang paglaganap ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng desididong pamamahala, disiplina at sakripisyo ng mga mamamayan.

Iyan ang katotohanan!

Sa araw ng pagsulat ng artikulong ito, Linggo, May 3, 2020, mayroon lamang 2 kumpirmadong kaso sa bansa: 1 imported at isang domestiko.

Higit sa lahat, zero ang kasulwalti!

Matapos ang 76-araw na lockdown, binuksan kamakailan ang lunsod ng Wuhan, at lahat ng 16 na makeshift hospital sa lunsod ay isinarado na dahil magaling na lahat ang kanilang pasyente.

Mayroong mahigit 250 malalaking lunsod ang Tsina, at mayroon pa ring mangilan-ngilang sumusulpot na kaso sa ibat-ibang lugar na tulad ng lalawigang Guangdong, lalawigang Heilongjiang at kung minsan ay sa lunsod ng Shanghai, pero, lahat ito ay madaling nakokontrol sa pamamagitan ng mga matinding hakbangin ng pagkontrol, pag-test, pagkuwarentina at paggamot.

Dito sa Beijing, kahit ibinaba na ang lebel ng responde mula sa pinakamataas sa pangkalagitnaan, suspendido pa rin ang pasok sa karamihan sa mga paaralan, lalung-lalo na sa mga elemntarya at kindergarten.

Ang pag-aaral ay ginagawa sa pamamagitan ng online na klase.

Ang mga mall, restawran, parke at iba pang kompanya ay muli nang nagbukas, at nagbubukas pero mayroon pa ring mga sarado.

Totoong may negatibong epekto ang mga hakbanging ito sa ekonomiya, pero, ayon sa direktiba ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, "kailangang ipauna ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan."

Sa loob ng 10 taon kong pananatili at pagtatrabaho sa Tsina bilang isang mamamahayag, nauunawaan ko na ang mga ideya, prinsipyo at hakbangin ng pamahalaang Tsino pagdating sa mga pangkagipitang situwasyon, kalamidad at di-inaasahang pangyayari na tulad nito.

Ilan sa mga napakahalagang hakbangin na inimplementa at patuloy na iniimplementa ng Tsina upang makontrol ang COVID-19 ay:

1.Totohanan at disiplinadong pag-iimplementa ng kontrol at kuwarentina sa maraming lugar sa bansa. Lahat ng tao, lokal at dayuhan ay sumusunod sa mga kahilingan ng pamahalaan, at nagsusuot ng maskara tuwing nasa labas ng bahay. Ito ay mandatoryo at walang eksepsyon, MAYAMAN MAN O MAHIRAP, OPISYAL MAN NG GOBYERNO O HINDI. Ang sinumang pasaway at hindi sumusunod sa alituntunin ay mapaparusahan ayon sa batas. WALANG EKSEPSYON! Lahat ay sumusunod!

2. Sarilinang pagtalima at mataas na disiplina ng mga mamamayan, lokal man at dayuhan sa alituntunin ng social distancing. Dito sa Tsina, hindi lamang ang pamahalaan ang nagpupunyagi, kasama ng pamahalaan ang mga mamamayan. Mataas ang pagtingin ng mga mamamayan sa pamahalaan, lalung-lalo na kay Pangulong Xi Jinping, dahil alam namin na hindi titigil si Pangulong Xi at kanyang pamahalaan hanggat hindi napupuksa ang salot na virus. Kaya naman, kaming mga mamamayan mismo ang gumagawa ng maraming paraan upang protektahan ang aming mga sarili at pamahayan. Hindi kami lumalabas kung hindi kailangan; at kung lalabas kami, agad kaming babalik sa aming mga tahanan. Lahat ng komunidad ay naglagay ng mga bantay na nagmo-monitor ng temperatura ng mga lumalabas at pumapasok sa kanilang lokasyon.

3. Noong panahong grabe ang situwasyon sa Tsina, halos lahat ng pampublikong transportasyon sa lahat ng probinsya at lunsod ay nilimitahan o isinarado. Isinarado rin ang mga opisina, paaralan, mall, parke, at lahat ng mga pampublikong lugar. Ang mga nanatiling bukas ay mga supermarket at iba establisyementong nagbibigay ng kinakailangang serbisyo. Oo, ito'y may negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa, pero, ang prinsipyo ng Tsina ay "ipauna ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan." ITO AY KATOTOHANANG DI-MAPAPABULAANAN. Ang mga paninirang-puri ng ilang pulitikong Amerikano tungkol sa totoong bilang ng mga nagkasakit at namatay sa Tsina ay isang maruming pamumulitika lamang. Ang lahat ng sinasabi ni Donald Trump, Mike Pompeo at kanilang mga alipores ay naglalayong ibaling sa Tsina ang sisi, upang mapagtakpan ang kanilang pagka-inutil sa pagkontrol sa epidemiya sa kanilang bansa. Sa ngayon, mayroon nang mahigit 1.1 milyon ang kumpirmadong kaso at mahigit 97,000 ang namatay na Amerikano dahil sa sakit. Sa halip na ipokus ang kanyang lakas sa pagkontrol ng sakit at pagsalba sa buhay ng kanyang mga kababayan, masyado pa ring abala si Trump at kanyang mga alipores sa pagbabaling ng sisi, paghuhugas ng kamay, at pagpapapogi para sa darating na eleksyon sa Amerika sa Nobyembre.

4. Noong Pebrero at Marso, kasagsagan ng epidemiya sa Tsina, ang maaari lang naming gawin ay magpunta sa supermarket, pero, bago kami makapasok, kailangan munang magpa-check ng temperatura. Bukod dito, kada linggo ay kailangan naming magrehistro sa cellphone app na gumagamit ng big data technology upang malaman kung kami ay nasa malusog na kondisyon. Ito ay ginagawa upang masiguradong lahat ng mamamayan ay ligtas sa mga simtomas. Mahirap ba? Siyempre, mahirap! Pero, ang lahat ng ito ay mga kinakailangang gawain, dahil kung hindi, kami rin ang kaawa-awa sa bandang huli.

5. Trabaho sa bahay at online learning. Dahil hindi pumapasok ang aking anak, nagbago rin ang kanyang mga aktibidad, at kahit nagtatrabaho ako mula sa bahay, kailangan kong alalayan ang 7-taong gulang kong nasa grade 1 sa kanyang mga online na klase. Kailangan ko siyang samahan sa may ibaba ng aming komunidad upang maglaro at maging personal niyang guro sa mga asignaturang gaya ng Math at English. Ang mga ito ay may mahalagang papel sa pagkontrol ng pagkalat ng sakit at nagbigay-daan sa patuloy na pagtatrabaho ng maraming mamamayan at pag-aaral ng maraming estudyante. Dahil sa disiplina at pagtutulugang ito, madaling nakontrol ng Tsina ang COVID-19, at sa pananalita ng World Heallth Organization (WHO), ito ay "unprecedented" sa kasaysayan ng sangkatuhan, at dapat tularan ng lahat ng bansa ang mga hakbangin ng Tsina.

7. Ang sakripisyo ng daan-daang doktor at nars sa Wuhan ay hindi kailanman namin malilimutan. Dahil sa kanilang mga ginawa, nagkaroon ng mahalagang oras ang Tsina at buong mundo upang kontrolin ang pagkalat ng virus. Dahil sa kanila, maraming buhay ang nailigtas at maraming may sakit ang dagliang gumaling. Sila ang tunay na mga bayani ng pakikidigma ng Tsina sa COVID-19. Mahigit 42,000 na mga doktor at nars mula sa ibat-ibang sulok ng Tsina ang agarng bumuhos sa Wuhan upang makipagdigma sa sakit. Inatasan din ng People's Liberation Army (PLA) ang libu-libong mga military doctor at nurs upang makipagsagupa sa Wuhan. Lahat ito ay mga di-maikukubling katotohanan at gumawa ng napakalaking ambag sa paglaban ng Tsina at sangkatauhan kontra COVID-19.

8. Sa ngayon, patuloy pa rin ang Tsina sa pag-implementa sa mga quarantine at control measures, at pinalaganap na rin ang mga health app na maaring magsabi sa kalusugan, lugar na pinuntahan at mga taong nakasalamuha. Lahat kami ay mayroon nito sa aming mga cellphone at ito ay isa sa aming mga pananggalang laban sa sakit. Ang kailangan lang naming gawin ay scan ang QR code at ilagay ang cellphone number, ito na ang magsasabi kung ang isang kami ay green o red code. Kapag green code, ayos ang lahat, kapag red code o iba pang kulay, kailangang maikuwarentina. Mabusisi? Minsan ay medyo abala, pero ito ay kinakailangang abala para sa aming kalusugan.

Mga kaibigan, walang konspirasiya sa Tsina, hindi nagmula sa laboratoryo ang virus, at walang itinatagong estadistika ang Tsina, at lalong walang kasalanan ang Tsina sa pagkakaroon ng pandemiya.

Marami nang siyentipiko at eskperto ang nagsabi, kasama na ang WHO na hindi nagmula sa laboratoryo ang virus. Ito ay nagmula sa mga hayop. Sa lebel ng teknolohiya natin ngayon, imposibleng artipisyal na magawa ang virus. Kaya, huwag sana tayong maniwala sa mga paninirang-puri ni Trump at kanyang administrasyon.

Transparent at bukas ang Tsina mula sa simula. Mula Enero 3, ipinagbibigay-alam ng Tsina sa WHO, Amerika at mundo ang mga impormasyon tungkol sa COVID-19 at ito ay alam ng lahat. Kaya ang mga paninira ng Partido Republikano ng Amerika ay pulitika sa pinakana-nakakadiring lebel.

Ang Tsina ang unang tinamaan ng pandemiya at maraming Tsino ang nagbuwis ng buhay para makontrol ito. Dahil sa pagpupunyagi ng mga bayaning ito, nagkaroon ng napakahalagang oras ang mundo upang makapaghanda.

Sa kabila ng mga paninira ng ilang pulitokong Amerikano, patuloy ang Tsina sa pagpupunyagi upang tulungan ang mundo na mapagtagumpayan ang pandemiya.

Sa pananaw ng Tsina, ang virus ang kalaban at ito ay salot sa buhay ng sangkatauhan, kaya ito ay kailangang mapuksa sa lalong madaling panahon.

Ang Tsina ang unang bansa sa daigdig na pumasok sa phase 2 human clinical trials ng vaccine development, at 3 vaccine ng Tsina ang nasa phase na ito.

Sa sarili kong opinyon, sa huling dako ng taong ito, baka magkaroon na tayo ng tunay na epektibo, ligtas at murang bakuna laban sa COVID-19.

Sa palagay ko, isa ang Pilipinas sa mga unang mabibigyan ng bakunang ito. Ito ay regalo ng Tsina sa Pilipinas! Ito ay regalo ng Tsina sa mundo!

Tulad ng laging sinasabi ng Tsina, "MATIBAY ANG WALIS PALIBHASA'Y MAGKABIGKIS." Ito ang diwa na gustong palaganapin ng Tsina sa mundo: ito ang diwa ng paglaban ng sangkatuhan kontra sa COVID-19!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>