|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Johns Hopkins University, pumalo na sa 3.5 milyon ang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Samantala, lampas na sa 247,000 ang bilang ng mga nasawing-palad at mahigit isang milyon ang gumaling.
Ang Estados Unidos ay ang pinakaapetado sa daigdig pagdating sa pagkahawa at pagkamatay dahil sa COVID-19.
Mahigit 1.1 milyong Amerikano ang nahawahan ng sakit at mahigit 67,000 ang pumanaw.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |