Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

WHO sa iba't ibang bansa: suriin ang mga naunang pinaghihinalaang kaso ng pneumonia

(GMT+08:00) 2020-05-07 10:01:36       CRI
Kaugnay ng ulat na lumitaw ang kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) noong Disyembre 2019 sa Pransya, sinabi kamakalawa, Martes, ika-5 ng Mayo 2020, ni Tagapagsalita Christian Lindmeier ng World Health Organization (WHO), na ito ay makakatulong sa mas malalim na pagkaunawa sa nakatagong pagkalat ng COVID-19.

Hinggil dito, hinimok ni Lindmeier ang iba't ibang bansa, na suriin ang mga naunang pinaghihinalaang kaso ng pneumonia.

Sa pamamagitan nito aniya, posibleng madiskubre ang mga mas maagang kaso ng COVID-19.

Nitong ilang araw na nakalipas, natuklasan sa Pransya, Italya, at Amerika ang mga di-dokumentadong kaso ng COVID-19 na naganap noong Nobyembre at Disyembre ng nagdaang taon.

Ang bagong tuklas na detalyeng ito ay taliwas sa naunang paniniwala, na hindi pa kumakalat ang COVID-19 sa mga bansang Europeo at Amerika hanggang noong Enero ng taong ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>