|
||||||||
|
||
Noong Hulyo 2019, iniulat ng American Broadcasting Company (ABC) at Cable News Network (CNN), na naganap sa isang retirement community sa State of Virginia ang epidemiya ng sakit-respiratoryo, at ito'y nakahawa ng 54 katao, at ikinamatay ng 2 sa kanila.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakukumpirma ang sanhi ng naturang epidemiya.
Dahil mayroon itong mga sintomas na katulad sa COVID-19, hinihiling ng mga tao na isagawa ang antibody test sa mga residente ng naturang komunidad.
Pero, sinabi naman ng mga eksperto, na matagal nang nangyari ang epidemiya, at posibleng hindi maging eksakto ang resulta ng pagsusuri.
Samantala, isang oras lamang na biyahe sa kotse ang layo ng nabanggit na retirement community sa bio-lab ng tropang Amerikano sa Fort Detrick, na isinarado minsan noong Hunyo 2019.
Ang nai-ulat na epidemiya ay nagdudulot din ng pagduda sa tunay na dahilan ng pagsasara ng naturang laboratoryo, na pinagtatakpan ng pamahalaang Amerikano, sa pangangatwiran ng "pambansang seguridad."
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |