|
||||||||
|
||
Pinanguluhan Mayo 6, 2020 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pangulo ng bansa, ang pulong ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Iniharap sa pulong na dapat isaayos ang sistemang medikal, i-reporma ang sistema ng pagkontrol at pag-iwas sa sakit, pataasin ang kakayahan ng pag-alerto at pagmomonitor ng epidemiya, pabutihin ang mga batas sa pangkagipitang insidenteng pampublikong kalusugan, at pabutihin ang sistema ng pamamahala sa malalaking epidemiya at sistema ng paggamot.
Samantala, ipinadala ng Komite Sentral ng CPC ang grupo sa lalawigang Hubei para tulungan ang lalawigan at lunsod Wuhan sa regular na pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Kasabay nito, pasusulungin din ang pagsasakatuparan ng Comprehensive Package Plan tungkol sa pagpapanumbalik ng kaayusan ng pamumuhay at produksyon sa lalawigan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |