|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Miyerkules, Mayo 6, 2020 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lumabas kamakailan sa Amerika ang maraming ulat at iba't ibang pananalita ukol sa pinagmulan ng novel coronavirus.
Aniya, dahil sa pansariling pulitikal na kapakanan, walang humpay na binatikos ng ilang personahe sa Amerika ang Tsina, pero magkakasalungat ang kanilang pananalita, at madali itong napabagsak.
Diin ni Hua, ang isyu ng pinagmulan ng virus ay isang masalimuot na isyung pansiyensiya, at ito'y dapat siyasatin ng mga siyentipiko at dalubhasa, sa pamamagitan ng istrikto't detalyadong pananaliksik, sa halip na mga pulitiko,
Aniya pa, matinding tinitutulan ng Tsina ang pagsasapulitika at istigmatisasyon ng isyu ng pinagmulan ng virus.
Muli rin siyang nanawagan sa lahat ng mamamayan na igalang ang siyensiya, at lumayo sa conspiracy theory.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |