Ipapatupad at pabubutihin ng Tsina ang mga hakbangin ng regular na pagpigil at pagkontrol sa COVID-19.
Ito ay iniharap kahapon, Huwebes, ika-7 ng Mayo 2020, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa pulong ng sentral na namumunong grupo sa paglaban sa COVID-19.
Hiniling din sa pulong na patatagin ang mga natamong bunga sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at iwasan ang muling paglala ng epidemiya.
Kasabay nito, dapat buong sikap na panumbalikin ang produksyon ng mga negosyo, operasyon ng mga sektor ng paglilingkod sa pamumuhay, at pagpasok ng mga estudyante sa paaralan, diin din sa pulong.
Salin: Liu Kai