Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Panahon na para itigil ng pamahalaang Amerikano ang mga kasinungalingan at harapin ang katotohanan

(GMT+08:00) 2020-05-08 15:47:47       CRI
Habang naitatala araw-araw ang mahigit 20 libong bagong kaso, nananatiling malubha ang epidemiya ng COVID-19 sa Amerika.

Ang hindi mabisang paghawak ng pamahalaang Amerikano sa epidemiya ay pangunahing sanhi sa kalagayang ito. Para ibaling ang sisi, tinatangka ng mga politikong Amerikano, na palaganapin ang mga kasinungalingan.

Isa sa mga kasinungalingang ito ay tungkol sa pinagmulan ng novel coronavirus. Paulit-ulit na sinabi ng ilang politikong Amerikano, na ang virus ay mula sa isang laboratoryo sa Wuhan, Tsina, kung saan unang natuklasan ang novel coronavirus.

Pero, kontra sa palagay na ito hindi lamang ang mga eksperto ng World Health Organization, kundi rin ang mga opisyal ng Amerika mismo, na gaya nina Anthony Fauci, Direktor ng U.S. National Institute of Allergy and Infectious Diseases; John Ratcliffe, nominee bilang Director ng National Intelligence; at Andrew Weissmann, dating punong tagapayo ng Federal Bureau of Investigation.

Sinabi nilang, walang anumang ebidensiya ang nagpapatunay na ang novel coronavirus ay galing sa laboratoryo sa Wuhan. Ipinalalagay din nilang, ang virus ay nagmula sa kalikasan, sa halip na nilikha ng tao.

Ang di-umanong "paghiwalay" o "decoupling" sa Tsina ay isa pang kasinungalingang pinapalaganap ng mga politikong Amerikano, para ilipat ang pansin ng mga tao.

Pagkaraang maganap ang epidemiya ng COVID-19 sa Tsina, sinabi ng mga politikong Amerikano, na magdudulot ito ng pagbalik ng manupaktura sa Amerika, at paglikha ng maraming trabaho.

Pero, tingnan natin ang katotohanan. Dahil malubha ang epekto ng epidemiya sa Amerika, noong unang kuwarter ng taong ito, nakita sa kabuhayang Amerikano ang pinakamalaking pagbaba sapul noong 2008 financial crisis, at noong Abril naman, nawalan ng trabaho ang mahigit 20 milyong Amerikano.

Samantala, nagdagdag kamakailan ng pamumuhunan sa Tsina, para magpalawak ng kanilang negosyo, ang mga kompanyang Amerikano, na gaya ng Starbucks, Walmart, Tesla, at ExxonMobil.

Ang katotohanan ay hindi puwedeng takpan ng pananalita. Huli ang naging tugon ng Amerika kaysa ibang bahagi ng mundo sa paglaban sa COVID-19. Maraming buhay ang nabuwis, at mukhang imposibleng mabilis na maibababa ang bilang ng mga bagong kaso. Ito ang panahon para harapin ng pamahalaang Amerikano ang mga tunay na hamon sa loob ng bansa, sa halip na ibaling ang sisi sa iba.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>