Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, patuloy sa pagbibigay ng mga kagamitang medikal sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2020-05-11 17:49:17       CRI

Bilang tulong sa paglaban ng bansa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), patuloy ang Tsina sa pagkakaloob ng mga kagamitang medikal sa Pilipinas.

Ayon sa pahayag na inilabas kahapon, Linggo, ika-10 ng Mayo 2020, ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, kabilang sa mga bagong batch ng naturang mga kagamitan ay 100 ventilators, 150,000 testing kits, 70,000 medical protective suits, 70,000 N95 medical masks, 1.3 million surgical masks at 70,000 medical protective goggles.

Sa seremonya sa punong himpilan ng Department of Foreign Affairs noong araw ring iyon, inilipat ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, kina Foreign Secretary Teodoro Locsin at Secretary Carlito Galvez, Jr., Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19, ang dumating na bahagi ng mga kagamitang medikal.

Sinabi ni Huang, na nakikiisa ang Tsina sa pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas, para labanan ang COVID-19 hanggang matamo ang pinal na tagumpay.

Nakikipagkoordina aniya ang embahada sa mga ahensiyang Tsino, para magbigay-ginhawa sa pagpunta sa Tsina ng mga eroplano at bapor ng tropang Pilipino, upang ihatid pabalik ang mga nabiling kagamitan.

Nakahanda rin ang Tsina, na patuloy na suportahan at tulungan ang Pilipinas, para kontrolin ang pandemiya at pasulungin ang pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon at pagnonormalisa ng pamumuhay ng mga mamamayan, dagdag ni Huang.

Sinabi naman ni Locsin, na sa harap ng COVID-19, dapat magkaisa at magtulungan ang iba't ibang bansa, sa halip na magbatuhan ng akusasyon.

Dagdag niya, dapat magkakasamang magsikap ang iba't ibang bansa, para hanapin ang epektibong paraan upang talunin ang virus at pawiin ang pandemiya sa lalong madaling panahon.

Samantala, inilunsad nitong Sabado ng pamahalaang Pilipino ang isang COVID-19 testing lab sa San Fernando City, sa ilalim ng tulong ng biotech company BGI ng Tsina.

Sa pamamagitan ng bagong lab na ito, maisasagawa ng pamahalaan ang 10,000 pagsusuri bawat araw.

Ang kasalukuyang kapasidad ay 7,000 lamang kada araw.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>