Sa regular na preskon kahapon, Lunes, ika-11 ng Mayo 2020, sa Geneva, Switzerland, iminungkahi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na dahan-dahan at wag biglaang alisin ng iba't ibang bansa ang COVID-19 lockdown.
Sinabi ng puno ng WHO, na masalimuot at mahirap ang pagluluwag ng mga restriksyon, at sa prosesong ito, posibleng lumaki muli ang bilang ng mga bagong kaso. Dapat aniya panatilihin ang pag-iingat, para napapanahong isagawa ang mga hakbangin ng pagkontrol, kung muling lilitaw ang epidemiya.
Sinabi naman ni Michael Ryan, Executive Director ng WHO Health Emergencies Programme, na hindi pa lubusang nawawala ang novel coronavirus, at kumakalat pa ito.
Nagbabala siyang kahit sa mga bansang kakaunti lamang ang bagong kaso, mayroon pa ring posibilidad na muling maganap ang epidemiya.
Salin: Liu Kai