|
||||||||
|
||
Idinaos Martes, ika-12 ng Mayo, 2020 sa Manila ang seremonya ng pagbibigay ng mga medical supplies sa panig militar ng Pilipinas na mula sa Tanggapan ng Tanggulang Bansa ng Tsina (MND), para sa paglaban sa COVID 19.
Ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas na upang tulungang magtagumpay ang laban ng Pilipinas sa COVID 19 sa lalong madaling panahon, ipinasiya ng MND na ipagkaloob ang mga pangkagipitang medical supplies sa kanyang counterpart at sa Armed Forces ng Pilipinas na kinabibilangan ng mahigit 80 libong face masks, Personal Protective Equipment (PPE), at iba pa. Umaasa aniya siyang ang ganitong mga supplies ay magkakaloob ng mabisang proteksyon sa mga frontliner sa pagpuksa ng COVID 19.
Ipinahayag ni Huang na sa proseso ng paglaban sa COVID 19, isinasagawa ng mga hukbo ng Tsina at Pilipinas ang mga kooperasyon at pagsuporta sa isa't isa.
Aniya pa, palagiang iginigiit ng Tsina ang paninindigan na magkasamang harapin, kasama ng Pilipinas, ang mga hamon hanggang sa mapagtagumpay ang COVID 19.
Pinasalamatan ni Kalihim Delfin Negrillo Lorenzana ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, ang mga tulong ng panig militar ng Tsina na gaya ng pagkaloob ng mga medical supplies at pagpapadali ng pagpasok sa Tsina ng mga eroplano at bapor ng panig militar ng Pilipinas para kunin ang naturang mga supplies. Naniniwala aniya siyang ang naturang mga kooperasyon ay magsusulong sa paguunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang hukbo.
Ulat: Ernest Wang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |