Naglabakay-suri kamakailan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lalawigang Shanxi ng Tsina. Binigyan-diin niya na dapat panatilihin ang pangkalahatang prinsipyo ng paghahanap ng pag-unlad habang pinananatili ang katatagan; igiit ang bagong ideya ng pag-unlad at supply-side structural reform; pawiin ang negatibong epekto na dulot ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pasulungin ang mas mabuting pag-unlad sa pagbabago at pag-a-upgrade ng pag-unlad, para igarantiya ang pagpapatupad ng target ng pagpawi ng kahirapan at pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan.
Mula Mayo 11 hanggang Mayo 12, pumunta si Pangulong Xi sa Datong, Taiyuan at ibang lunsod ng Shanxi, para suriin ang mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol ng epidemiya, pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, pagpapatibay ng bunga ng pagpawi ng kahirapan at iba pang gawain.
Salin:Sarah