Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Bakuna sa COVID-19, di dapat sarilinin ng Amerika

(GMT+08:00) 2020-05-17 17:45:50       CRI
Isang bukas na liham ang inilabas kamakailan ng mahigit 140 lider at eksperto ng iba't ibang bansa upang manawagan para panlahatang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 para sa lahat ng tao.

Anila, walang sinuman ang dapat itulak sa hulihan ng pila para sa bakuna, saan man sila nagmula, o magkano ang kanilang kinikita.

Ang liham na ito ay ginawa pagkaraan ng pinakahuling pangyayaring nagbunsod ng galit sa daigdig.

Sa panayam kamakailan sa Bloomberg, sinabi ni Paul Hudson, CEO ng Sanofi, malaking kompanya ng gamot ng Pransya, na sakaling matagumpay nilang maidebelop ang bakuna laban sa COVID-19, ipagkakaloob muna ito sa Amerika, dahil ang Amerika ang unang nagbigay ng pondo sa pananaliksik sa kompanyang ito.

Pero, dahil sa presyur mula sa pamahalaan ng Pransya at komunidad ng daigdig, ni-rebisa ng Sanofi ang nabanggit na pahayag at sinabi nitong, may priyoridad lamang ang Amerika sa mga bakuna ng Sanofi na ginawa sa loob ng bansa.

Dagdag pa nito, walang ibibigay na priyoridad sa Amerika sa mga gamot na ginawa sa Pransya at iba pang bansang Europeo.

Ito ay hindi ang unang pagkakataong ipinakita ng Amerika ang pagiging makasarili sa isyu ng bakuna sa COVID-19.

Noong Marso, naibunyag ang tangka ng pamahalaang Amerikano na bilhin ang isang kompanya ng Alemanya sa pamamagitan ng isang bilyong Dolyares, para maging eksklusibo para sa Amerika ang posibleng magawang bakuna laban sa COVID-19.

Noong unang dako ng buwang ito, itinaguyod naman ng European Commission ang pulong, kung saan ipinangako ng iba't ibang panig ang 7.4 bilyong Euro para pasulungin ang pananaliksik, paggawa, at pantay na pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19.

Hindi lumahok sa pulong ang Amerika, at hindi rin nito ipinangako ang pagkakaloob ng pondo.

Bakit hinahangad ng Amerika ang pagmonopolyo sa paggawa ng bakuna sa COVID-19 at eksklusibong pag-access sa mga ito?

Ito ay dahil sa patakarang "America First" na isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon, at pagprotekta sa sariling interes ng ilang politikong Amerikano.

Pero, ang COVID-19 ay bantang kinakaharap ng buong sangkatauhan.

Bilang siyang tanging superpower sa daigdig, ang labis na pagkamakasarili at unilateralismo ng Amerika ay hindi lamang humahadlang sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya, kundi nagsasapanganib din sa kalusugan ng mga mamamayan ng ibang bansa.

Tulad ng sinabi ni Richard Horton, Editor-in-Chief ng The Lancet, ang mga ginagawa ng Amerika sa usapin ng COVID-19 ay krimen at kataksilan laban sa sangkatauhan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>