|
||||||||
|
||
Ang petsang ito ay angkop sa timeline kaugnay ng pahayag ng Tsinang ibinahagi nito sa World Health Organization (WHO) ang genome sequence ng novel coronavirus noong Enero 12.
Dahil batay sa naturang genome sequence, saka lamang maaaring simulan ang pagdedebelop ng bakuna.
Ito rin ay katibayang hindi pinagtatakpan ng Tsina ang mga imporasyon tungkol sa COVID-19, na salungat sa akusasyon ng ilang politikong Amerikano.
Ang pahayag na ito ni Trump ay nagbunsod ng mainit na diskusyon ng mga netizen na Amerikano.
Ayon sa maraming Amerikano, bakit ang pagdedebelop ng bakuna lamang ang pinahahalagahan ng pamahalaan pagkaraang malaman ang tungkol sa COVID-19 epidemic?
Bakit hindi kaagad isinagawa ang mga hakbangin para iwasan ang pagkalat nito sa Amerika?
At hindi ginawa ang iba pang paghahanda para maharap ang sakit na ito?
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |