|
||||||||
|
||
Anang editoryal, ang CDC ay mahalagang ahensiya sa usapin ng kalusugang pampubliko.
Pero, nitong mga taong nakalipas, binawasan ng ilang administrasyon ng Amerika ang badyet ng CDC.
Ayon sa editoryal, sa preskon ng White House noong Pebrero 25, nagbabala si Nancy Messonnier, direktor ng CDC National Center for Immunization and Respiratory Diseases, tungkol sa mga grabeng epektong posibleng dulot ng COVID-19.
Dahil salungat ito sa pahayag ng pamahalaan na hindi malaking isyu ang sakit na ito, hindi na muling lumitaw si Messonnier sa mga preskon sa White House.
Ayon pa rin sa editoryal, ginawa kamakailan ng CDC ang guideline tungkol sa mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 sa mga muling bubuksang pasilidad na pampubliko.
Pero, pinagwawalang-bahala ni Pangulong Donald Trump ang dokumentong ito.
Diin ng editoryal, dahil sa naturang gawain ng administrasyong Amerikano, humihina ang papel ng CDC.
Dagdag ng editoryal, kung sinuman ang magiging pangulo ng Amerika sa susunod na taon, dapat maunawaan niyang, ang usapin ng kalusugang pampubliko ay hindi dapat maapektuhan ng partisan politics.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |