Ayon sa di-kumpletong estadistika, nagkakaroon ang Amerika ng mahigit 200 laboratoryong biolohikal sa buong daigdig, na kinabibilangan ng maraming matatagpuan sa mga bansang nakapaligid ng Tsina at Rusya. Samantala, nananatiling lihim ang nilalaman at layunin ng mga pananaliksik sa mga laboratoryong ito, sa pangangatwiran ng "national security."
Pero, ayon sa mga naibunyag na impormasyon, ginagawa sa naturang mga laboratoryo ang mga eksperimentong kemikal na may layuning militar, pananaliksik ng mga virus na maaring kumalat sa tao, pag-aaral sa gene ng mga lahi ng sangkatauhan, at iba pa. Kasabay nito, naiulat din sa media ang pagkaganap ng mga aksidente sa ilang laboratoryo, na gaya ng di-maayos na paghawak ng mga virus, paghalu-halo ng mga labis na mapanganib na virus at mga virus na may mababang panganib, at iba pa.
Dahil dito, umiiral sa mga may kinalamang bansa ang pagdududa sa pagkakaroon ng Amerika ng naturang mga laboratoryo, lalung-lalo na sa ibang mga bansa. Ipinahayag minsan ng Tsina, Rusya, Ukraine, Georgia, at iba pa ang kahilingang paliwanagin ng Amerika ang mga punsyon at layon ng mga laboratoryong ito, at kung ligtas ang mga ito.
Salin: Liu Kai