Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Editoryal: Dalawang Sesyon (Liang Hui), katibayang nagtatagumpay ang Tsina kontra COVID-19: napakahalaga sa muling paglakas ng ekonomiyang Pilipino

(GMT+08:00) 2020-05-20 12:48:47       CRI

By Rhio M. Zablan

Idaraos sa Mayo 21 at 22, 2020 sa Beijing ang pinakamalaking taunang politikal na kaganapan sa Tsina - ang Dalawang Sesyon o Liang Hui.

Dito pinag-uusapan ang mahahalagang isyu at isinasabatas ang mga priyoridad na panukalang magdidikta sa direksyong tatahakin ng pag-unlad ng bansa para kasalukuyang taon.

Sa gitna ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang napipintong pagdaraos ng Dalawang Sesyon ay isang pagpapadama sa tagumpay ng Tsina sa pagkontrol at pagpuksa sa naturang sakit, kasabay ng pag-abot sa mga itinakdang ekonomikong target.

Ito ay isa rin isang matibay na indikasyon, na kapag may pagkakaisa, at pagtutulungan ang mga mamamayan, sa ilalim ng maliwanag na patnubay ng pamahalaan, matagumpay na maaabot ang layunin - bagay na karapat-dapat tularan ng Pilipinas at iba pang bansa sa daigdig.

Bukod pa riyan, inaasahan ding iiniksiyunan ng bagong bitalidad at kasiglahan ng idaraos na Dalawang Sesyon ang matamlay at nakaratay na ekonomiya ng mundo.

Kadalasang idinaraos ang Dalawaang Sesyon sa unang dako ng Marso kada taon, pero dahil sa COVID-19, ini-urong ang pagdaraos ng pulong.

Ang Pulong ay tinatawag na "Dalawang Sesyon" dahil ito ay binubuo ng dalawang paggtitipon: ang pagtitipon ng National People's Congress (NPC), Pinakamataas na Lehislatura ng Tsina; at pagtitipon ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), Pinakamataas na Politikal na Tagapayong Kapulungan ng bansa.

Ang CPPCC ay binubuo ng mga representante mula sa ibat-ibang sektor ng Tsina, at sila ang kumukuha sa pulso ng taumbayan hinggil sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya at pampolitika na mahalaga at nakaka-apekto sa buhay at kaligtasan ng mga mamamayan.

Pagdedebatehan nila ang mga isyung ito at gagawing mga panukala upang isumite sa NPC.

Sa kabilang dako, ang NPC ang siya namang gumagawa ng batas - maihahalintulad ito sa Kamara De Representantes at Senado ng Pilipinas.

Ang mga panukalang mula sa CPPCC ay muling pag-u-usapan sa sesyon ng NPC, at kung magkakaroon ng sapat na pagkakaisa, ang mga ito ay isasabatas, at isusumite sa pangulo ng bansa para sa pag-apruba.

Siyempre, ang eksplanasyong ito ay isang simplipikasyon lamang ng lahat ng prosesong pinagdaraanan upang maging batas ang isang panukala, pero, ito ay nag-a-alok ng isang maliwanag na pananaw sa kung paano ginagawa ng lehislatura ng Tsina ang mga batas sa bansa.

Kung susuriing maigi, halos pareho lamang ang mga prosesong ginagawa ng Tsina at Pilipinas sa paggawa ng batas.

Sa taong ito, nasa mga 3,000 mambabatas at 2,000 politikal na tagapayo ang inaasahang magtutungo sa Beijing upang magdiskusyon sa mahahalagang panukalang batas at regulasyon; kabilang na siyempre ang Government Work Report at pambansang badyet.

Napaka-espesyal ng Dalawang Sesyon sa 2020, dahil hindi lamang naipakita ng Tsina na kaya nitong pagtagumpayan ang virus sa pamamagitan ng pagkakaisa at matibay na patnubay ng pamahalaan, ito rin ang taong itinakda sa pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan - ibig sabihin, pag-ahon ng lahat ng Tsino mula sa galamay ng karalitaan.

Bukod dito, maraming beses na ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping, na ang pinakamahalagang tungkulin ay pangangalaga ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Kaya naman, malaki ang pag-asang, isa sa malalaking isyung pag-u-usapan sa nakatakdang Dalawang Sesyon ay pampublikong kalusugan at seguridad panlipunan sa kontekstong pambansa at pandaigdig.

Kasama rito ang pagtatatag ng matibay na pandaigdigang supply chain ng mga gamot at kagamitang medikal, pagkakaroon ng mabilis at episyenteng paraan ng pagkakaloob ng mga gamot at kagamitang medikal, pagbibigay ng panibagong suporta sa World Health Organization, pagpapalakas ng kolaborasyon sa mga organong pangkalusugan ng ibat-ibang bansa, at marami pang iba.

Siyempre, siguradong bibigyang-diin din sa nakatakdang pulong kung paano mas mapapalakas ang ekonomiya ng Tsina at buong mundo sa pamamagitan ng muling pagpapalakas ng mga industriya matapos ang pandemiya, kabilang ang industriya ng hightech, 5G, artificial intelligence at iba pa.

Ngayon, ang tanong, ano naman ang kahalagahan ng Dalawang Sesyon para sa mga Pilipino?

Ang Tsina ay ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at konektado ang ekonomiya ng Tsina sa lahat ng bansa sa mundo.

Ang paglakas ng ekonomiya ng Tsina ay may malaking epekto sa paglakas din ng ekonomiya ng mundo.

Para sa Pilipinas, ito ay nangangahulugang, mas maraming pagluluwas ng mga produkto at serbisyo, mas maraming direct investor, mas maraming kolaborasyon na magdudulot ng bagong kaalaman at kakayahan, mas malakas na industriya ng turismo, etc.

Kapag mas marami ang iniluluwas na produkto at serbisyo ang Pilipinas sa Tsina, ito ay nangangahulugang, mas maraming kita ang mga kompanya at mamamayang Pilipino - malaki rin ang kontribusyon nito sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Kapag mas maraming investor na Tsino ang pumapasok sa Pilipinas, mas maraming kompanya ang maitatayo at mas maraming trabaho ang malilikha - ibig sabihin, mas malaking kita para sa mga Pilipino at siyempre mas maganda sa GDP ng Pilipinas.

Kapag mas maraming kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, mas darami ang pagpapalitan ng kaalaman ng mga Pilipino, at kapag mas marami ang kaalaman ng mga Pilipino, mainam ito sa pagsisimula ng mga bago at inobatibong negosyo, mas malaking ang tsansang magkaroon ng trabahong may mataas na suweldo, mas malaki ang tsansang makapagtrabaho sa ibang bansa (kung iyan ang inyong nais), at marami pang iba.

At kapag tuluyang napuksa ng Tsina ang virus sa pamamagitan ng bakuna, muling darami ang mga turistang Tsino sa Pilipinas, at muling lalakas ang industriya ng pagbibiyahe sa himpapawid, muling lalakas ang turismo ng Pilipinas - ibig sabihin, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng disenteng ikabubuhay.

Iyan at marami pang iba ang maidudulot ng mga panukalang pag-uusapan at isasabatas sa Dalawang Sesyon.

Mahalaga ba ito para sa mga Pilipino?

Kayo na po ang sumagot.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>