|
||||||||
|
||
Binigkas noong gabi ng Mayo 18, 2020, sa Seremoniya ng Pagbubukas ng Ika-73 World Health Assembly, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang talumpati na may temang "Fighting COVID-19 Through Solidarity and Cooperation, Building a Global Community of Health for All".
Sa talumpati, inilahad ni Xi ang 6 na mungkahi hinggil sa pagpapalakas ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), 5 hakbangin na isinagawa ng Tsina para pasulugnin ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya, at ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan. Ipinalalagay ng opisyal ng WHO at mga tauhan mula sa ibat ibang bansa na lubos na naipakita nito ang imahe ng responsableng malaking bansa na Tsina, at mayroon itong mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig ng paglaban sa epidemiya.
Binigyan-diin ni Xi sa talumpati na ang pagkakaisa ay pinakamalakas na sandata ng paglaban sa epidemiya. Iminungkahi niya na dapat patingkarin ang namumunong papel ng WHO. Ipinahayag ni Bounkong Syhavong, Tagapangulo ng Ika-72 World Health Assembly at Ministro ng Kalusugan ng Laos na masigla ang talumpati ni Pangulong Xi.
Ipinahayag din ni Xi sa talumpati na mahina ang sistema ng pampublikong kalusugan sa mga umuunland na bansa, partikular na, sa mga bansang Aprikano. Nanawagan siya na ipagkakaloob ang mas maraming suporta sa Aprika sa materyal, teknolohiya at iba pang larangan.
Sinabi ni Hany Selim, Opisyal ng Ministring Panlabas ng Ehipto na tinutulungan ng Tsina ang ibat ibang bansa ng daigdig sa paglaban sa epidemiya, at ito'y pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Ipinahayag din ni Saleh Sagri, dalubhasa ng Saudi Arabia, na ang suporta ni Xi sa kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya ay responsibilidad ng Tsina bilang malaking bansa.
Ipinatalastas din ni Xi sa talumpati na magtutulungan ang Tsina at United Nations para igarantiya ang supply chain ng mga materyal ng paglaban sa epidemiya.
Ipinahayag ni Marcus Reubenstein, edidor ng APAC News ng Australia, na ito ay napakamahalaga para sa paglaban sa epidemiya, at magdudulot ito ng benepisyo sa susunod na henerasyon.
Nanawagan din si Xi sa komunidad ng daigdig na dapat magkaisa para labanan ang epidemiya ng COVID-19 at magkakasamang pangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, at magkasamang itatag ang pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan. Pinapurihan ito ng mga tauhan ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag ni Rana Mitter, dalubhasa ng University of Oxford ng Britanya na ang paglulutas sa krisis ng epidemiya ay hindi maaaring nakasalalay lang sa iisang bansa. Dapat magkakasamang makisangkot sa labanang ito ang iba't ibang bansa ng buong daigdig.
Salin: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |