Sinabi kahapon, Miyerkules, ika-20 ng Mayo 2020, ni Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO), na kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang liham ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, kung saan nagbanta siyang permanenteng ititigil ang pagbibigay-pondo sa WHO, at isasaalang-alang ang pagkalas sa organisasyong ito.
Samantala, sinabi ng puno ng WHO, na kahit sumasaklaw sa buong daigdig ang mga gawain ng organisasyon, 2.3 bilyong Dolyares lamang ang taunang badyet nito, na katumbas ng badyet ng isang katamtamang laking ospital sa maunlad na bansa.
Dagdag niya, 20% lamang ng mga pondo ng WHO ay galing sa nakatakdang kontribusyon ng mga kasaping bansa, at 80% naman ay kusang-loob na ibinibigay ng mga bansa at iba pang donor.
Salin: Liu Kai