Sa government work report na ginawa sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na binuksan ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Mayo 2020, sa Beijing, sinabi ni Premyer Li Keqiang, na sa taong ito, lubos na babawasan ng Tsina ang mga aytem sa negatibong listahan para sa pag-access ng pamumuhunang dayuhan, at bagong ilalas din ang negatibong listahan para sa transnasyonal na kalakalang panserbisyo.
Ipinahayag din ni Li, na buong tatag na ipagtatanggol ng Tsina ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at aktibong lalahok ang bansa sa reporma sa World Trade Organization.
Pasusulungin ng Tsina ang paglalagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership, pabibilisin ang talastasan sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, at ipapatupad kasama ng Amerika ang unang yugto ng kasunduan sa kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa, dagdag ni Li.
Salin: Liu Kai