|
||||||||
|
||
Sa kanyang paglahok sa diskusyong idinaos kahapon, Biyernes, ika-22 ng Mayo 2020, ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, sinabi ni Xi Jinping, Pangulong Tsino, na dapat ipatupad ang ideyang "unahin ang mga mamamayan" sa iba't ibang aspekto ng gawain.
Binigyang-diin ni Xi, na sa harap ng pagkalat ng COVID-19, itinuturing mula pa sa simula, ng partido at pamahalaan ng Tsina ang mga mamamayan bilang priyoridad sa mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa sakit. Pinapangalagaan aniya ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan, kahit gaanong kalaki ng halaga ang magugugol.
Sinabi rin niyang, sa susunod na yugto ng pagpapanumbalik ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, dapat igiit din ang ideyang "unahin ang mga mamamayan."
Dagdag ni Xi, ang pagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ay dapat maging pinakamahalagang tungkulin ng bawat opisyal ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |