Sa ginaganap na sesyon ng National People's Congress (NPC) ng Tsina, sinimulang suriin kahapon, Lunes, ika-25 ng Mayo 2020, ng mga mambabatas ang mga work report ng Supreme People's Court at Supreme People's Procuratorate.
Ayon sa naturang mga ulat, ang mga priyoridad ng serbisyong panghukuman sa taong ito ay kinabibilangan ng paggarantiya sa regular na pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 pandemic, pagpapatatag sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai