Sa panayam sa panahon ng sesyon ng National People's Congress (NPC) ng Tsina, sinabi kahapon, Lunes, ika-25 ng Mayo 2020, ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng bansa, na sa harap ng malaking epekto sa kabuhayang pandaigdig na dulot ng COVID-19 pandemic, palalakasin ng Tsina ang pagsisikap, para panatilihin ang matatag na kalakalang panlabas at pamumuhunang dayuhan.
Sinabi ni Zhong, na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas, paluluwagin ang market access, at paiikliin ang negatibong listahan para sa pamumuhunang dayuhan.
Samantala aniya, inilabas na ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran sa mga aspekto ng buwis, pautang, seguro, industrial chain, at supply chain, bilang pagsuporta sa mga kompanya ng kalakalang panlabas, na apektado ng COVID-19 pandemic.
Salin: Liu Kai