Ipinahayag Mayo 25, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng Tsina ang Amerika na aktuwal na pangalagaan ang prinsipyo at layunin ng Comprehensive Nuclear Test Ban Treaty, isagawa ang aksyon na makakatulong sa pangangalaga sa nuclear disarmament at Nuclear Non-proliferation System, at huwag sirain ang estratehikong katatagan ng buong daigdig.
Ayon sa ulat, sinipi Mayo 22 ng Washington Post ang pananalita ng mataas na opisyal ng pamahalaang Amerikano na nagsasabing tinalakay ng mga opisyal ng Amerika sa pambansang seguridad ang posibilidad ng muling pagsisimula ng pagsubok na nuklear sa pulonhG na idinaos Mayo 15. Hinggil dito, ipinahayag ni Zhao na ang Comprehensive Nuclear Test Ban Treaty ay mahalagang pillar o poste ng pandaigdigang sistema ng pagkontrol sa armas; kahit na hindi magkabisa ang naturang kasunduan ang pagbabawal sa nuclear test ay naging regulasyong pandaigdig. Ang treaty na ito ay mayroong mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng nuclear disarmament, sa pagpigil ng nuclear non-proliferation, at sa pangangalaga ng kapayapaan at kaligtasan ng daigdig.
Salin:Sarah