|
||||||||
|
||
Sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina, isinumite nitong Lunes, Mayo 25, 2020 ang work report ng Pirmihang Lupon ng NPC para sa pagsusuri.
Anang ulat, ipapauna ng Pirmihang Lupon ng NPC ang lehislasyon sa larangan ng kalusugang pampubliko, sususugan ang batas sa pangangalaga sa mga mailap na hayop, batas sa pagpigil at panggagamot sa nakahahawang sakit, Frontier Health and Quarantine Law, at batas sa pagharap sa mga biglaang pangyayari, at itatakda ang batas sa seguridad na biolohikal.
Bukod dito, binabalak na NPC ang pagsususog sa Patent Law, batas sa paglaban sa money laundering, batas sa halalan, batas sa pambansang watawat at iba pa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |