|
||||||||
|
||
Sinabi ng magasing "National Interest," na ang pag-iimbento ng teorya na pinagtakpan di-umano ng Tsina ang mga impormasyon ay isang tangka ng mga politikong Amerikano para ipagtanggol ang sariling depekto sa pagharap sa pandemiya, at pagbabaling lamang ng sisi sa iba.
Ayon naman sa pahayagang New York Times, ang di-kumpletong bilang ng mga kaso ng COVID-19 noong mga unang yugto ng pandemiya sa Tsina, ay dahil hindi pa lubusang nasuri ang lahat ng mga nagkasakit.
Hindi ito sinasadyang pagtakpan ng Tsina, anang pahayagan.
Anito pa, ang di-kumpletong bilang ay naganap hindi lamang sa Tsina, kundi pati rin sa Amerika at Europa.
Sinabi naman ng pahayagang Economist, na ang novel coronavirus ay bagong lumitaw na virus at hanggang sa kasalukuyan, hindi pa lubusan ang pagkaunawa sa mekanismo nito.
Kaya, hindi angkop na hilingin sa Tsina, na magbigay ng kumpletong impormasyon mula sa unang araw ng epidemiya.
Binigyang diin pa ng nasabing pahayagan, dahil sa nasabing dahilan, imposibleng masabi kaagad ng Tsina na maaring kumalat ang sakit sa pamamagitan ng mga taong mukhang malusog, at imposible ring matuklasan kaagad ang bawat nahawahan ng sakit.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |