Ipinahayag kahapon ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag ang kapasiyahan ng Tsina sa pagpapanatili ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Ang pananalita ni Zhao ay bilang reaksyon sa pahayag ng ilang grupo ng abogado sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na ang National Security Legislation ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ay labag sa saligang batas ng HKSAR.
Sinabi pa ni Zhao na matatag din ang kapasiyahan ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya, katiwasayan at pag-unlad ng bansa.
Hindi aniya magtatagumpay ang anumang puwersang panlabas na nakikialam sa mga suliranin ng HK.
Salin:Sarah