|
||||||||
|
||
Sa magkasanib na pahayag, sinabi nina Ursula von der Leyen, Pangulo ng European Commission, at Josep Borrell, European Union (EU) High Representative for Foreign Affairs and Security Policy, na kailangang patuloy na pamunuan ng WHO ang pandaigdig na pagtutulungan at pagkakaisa, bilang tugon sa mga epidemiya sa kasalukuyan at hinaharap.
Patuloy anilang susuportahan ng EU ang WHO, at ipinagkaloob na ang karagdagang pondo sa organisasyong ito.
Hinimok din nila ang panig Amerikano na muling isaalang-alang ang nabanggit na desisyon.
Sinabi naman ni Jens Spahn, Ministro ng Kalusugan ng Alemanya, na ang pagsuspendi ng Amerika sa relasyon sa WHO ay nakakalungkot na pagtalikod sa pandaigdig na usaping pangkalusugan.
Dagdag niya, dapat patingkarin ng EU ang namumunong papel sa pagsuporta sa WHO.
Samantala, sinabi naman ni Roberto Speranza, Ministro ng Kalusugan ng Italya, na grabe ang magiging resulta ng pagsuspendi ng Amerika sa relasyon sa WHO.
Sa kasalukuyan, dapat aniyang palakasin ang papel ng WHO sa pamamagitan ng reporma, sa halip na pahinain ang organisasyong ito.
Ipinahayag naman ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na sa kasalukuyang panahong kinakailangan ang pagkakaisa ng buong daigdig para harapin ang COVID-19 pandemic, ang pagsuspendi ng Amerika ng relasyon ng WHO ay sumira sa pundasyong pambatas ng pandaigdig na kooperasyong pangkalusugan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |