|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Robert Lawrence Kuhn, tagapag-analisang Amerikano sa mga suliranin ng Tsina, na ang inaprobahang lehislasyon sa sesyon ng National People's Congress ng Tsina tungkol sa pambansang seguridad sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) ay mahalaga para bigyang-wakas ang kaguluhang nilikha ng mga rebelde at nanggugulo sa rehiyong ito.
Tulad ng sinabi ng mga mambabatas na Tsino, ang naturang lehislasyon ay nakatuon lamang sa maliit na bilang ng mga separatistang naninindigan ng "pagsasarili ng Hong Kong," at nagsasagawa ng mga aksyong kontra-gobyerno, ani Kuhn.
Layon aniya ng batas na panatilihin ang katatagan sa Hong Kong, alinsunod sa hangarin ng napakaraming tao.
Nananalig din si Kuhn, na hindi makakaapekto ang batas na ito sa awtonomiya ng Hong Kong.
Tunghayan ang video para sa mga detalyadong kuro-kuro ni Kuhn.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |