|
||||||||
|
||
Sinabi ni Cui, na noong nakaraan, walang batas ang nangangalaga sa pambansang seguridad sa Hong Kong, at humantong ito sa kaguluhan sa rehiyong ito nitong halos isang taong nakalipas.
Dagdag niya, ang naturang lehislasyon ay nakatuon lamang sa mga aksyon ng pagwawatak sa bansa, pagbabagsak ng pamahalaan, pagsasagawa ng aktibidad na teroristiko, at pakikialam mula sa puwersang dayuhan.
Hindi aniya aapektuhan ang normal na pamumuhay at pagnenegosyo sa Hong Kong, at awtonomiya sa rehiyong ito.
Ipinalalagay din ni Cui, na ang batas na ito ay garantiya sa pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, na makakabuti sa pagtatrabaho, pamumuhunan, at pamumuhay sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |