|
||||||||
|
||
Ipinamigay, Huwebes, ika-4 ng Hunyo, 2020 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, ang 5,000 "Friendship Bag" sa mga taga-Maynila sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Lunsod ng Maynila.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na apektado ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang pamumuhay ng mga lokal na residente; at dahil dito, inihandog ng Embahadang Tsino at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry Incorporated (FFCCCII) ang 5,000 "Friendship Bag" na may lulang esensiyal na pangangailangan sa araw-araw na gaya ng bigas, de-latang sardinas, at iba pa.
Layon aniya ng gawaing ito na tulungan ang mahihirap na pamilya.
Pinasalamatan naman ni Mayor Isko Moreno ang tulong ng Embahadang Tsino.
Naniniwala si Moreno, na ang naturang mga "Friendship Bag" ay makakatulong sa mga pamilyang talagang nangangailangan.
Bukod sa Maynila, namigay din ng mga "Friendship Bag" na nagkakahalaga ng P17.9 milyong piso ang Embahadang Tsino, kasama ng mga Konsulada Heneral sa Cebu, Davao at Laoag, sa mga mamamayan sa naturang mga lokalidad.
Kasama sa mga dumalo sa seremonya ng pamimigay si Henry Lim Bon Liong, Presidente FFCCCII.
Reporter: Ernest Wang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |