|
||||||||
|
||
Sa panayam kamakailan sa China Global Television Network (CGTN), sinabi ni Grenville Cross, dating Chief Prosecutor ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), na ang mga kaguluhang nangyari sa Hong Kong noong nakaraang taon ay dahilan kung bakit isinagawa ng National People's Congress (NPC) ng Tsina ang lehislasyon tungkol sa pambansang seguridad sa Hong Kong.
Dagdag ni Cross, ang Hong Kong ay rehiyong nasa ilalim ng direktang administrasyon ng pamahalaang sentral ng Tsina, at bilang kataas-taasang organo ng kapangyarihang pang-estado ng bansa, may karapatan at obligasyon ang NPC para sa lehislasyong ito.
Sinabi ni Cross, na batay sa pandaigdigang kagawian, ang buong teritoryo ng isang bansa ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng batas sa pambansang seguridad.
Kaya aniya, bakit hindi maaaring saklawin ng batas sa pambansang seguridad ng Tsina ang Hong Kong?
Binigyang-diin pa ni Cross, na ang kaguluhan sa Hong Kong nitong isang taon ay banta sa pagpapatupad ng prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Ang lehislasyon sa pambansang seguridad sa Hong Kong ay mangangalaga, sa halip na makakapinsala sa nasabing prinsipyo, saad niya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |