|
||||||||
|
||
Ipinaliwanag Hunyo, 8, 2020, sa news briefing na idinaos ang pamahalaang Tsino, ang Pangkalahatang Plano sa Konstruksyon ng Free Port ng Hainan. Ibinigay nito ang signal na, sa kabila ng resesyon ng kabuhayang pandaigdig na dulot ng epidemiya ng COVID-19, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang pagbubukas sa labas, buong tatag na pananatilihin ang multilateralismo, at pauunlarin ang globalisasyon ng kabuhayan.
Ang pagkakatatag ng bukas na daungan sa Hainan ay mahalagang hakbangin ng reporma na itinakda ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Binigyan-diin sa news briefing na ang Free Port ng Hainan ay magiging bagong pamantayan ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Isasagawa nito ang pandaigdigang regulasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa mataas na lebel ng daigdig, para lalo pang pasiglahin ang kagustuhan ng mga market players. Kasabay nito, pasusulungin ang inobasyon sa sistema na may katangiang Tsino.
Kahit na kinakaharap din ang epekto ng COVID-19, hindi ititigil ng Tsina ang pagbubukas sa labas. Ang konstruksyon ng Free Port ng Hainan ay aktuwal na hakbang ng Tsina upang pasulungin ang kooperasyon ng buong daigdig. Tiyak na palalakasin nito ang pagiging kaakit-akit ng pamilihang Tsino, idudulot ang mas maraming pagkakataon para sa mga transnasyonal na bahay-kalakal, at ipagkakaloob ang mas maraming puwersang tagapagpasulong para sa kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |