Kaugnay ng paglipad nitong Martes ng C-40A, eroplanong pantransportasyon ng tropang Amerikano sa kalangitan ng Taiwan, sinabi kahapon, Huwebes, ika-11 ng Hunyo 2020, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay labag sa pandaigdig na batas at saligang norma ng relasyong pandaigdig.
Ipinahayag ng panig Tsino ang pagtutol at pagkondena dito, dagdag niya.
Sinabi ni Hua, na hinihimok ng Tsina ang Amerika na sundin ang prinsipyong Isang Tsina at mga tuntuin sa tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa. Idinagdag din niyang dapat agarang itigil ng Amerika ang ganitong ilegal at probokatibong aksyon.
Binigyang-diin din ni Hua, na isasagawa ng Tsina ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin, para pangalagaan ang soberanya, katiwasayan, at kapakanan sa pag-unlad ng bansa.
Salin: Liu Kai