Dumanas ng malakas na pag-ulan mula noong Hunyo 1, 2020 hanggang sa kasalukuyan ang mga lugar sa katimugan ng Tsina. Dinulot nito ang malubhang baha sa 9 na lunsod sa Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi na kinabibilangan ng Guilin, Hechi, Liuzhou at iba pa.
Ayon sa inisyal na estadistika, naapektuhan ng baha ang 1.45 milyong mamamayan sa Guangxi, 6 ang namatay, at 3 ang nawawala. Pangkagipitang inilikas ang higit 200 libong tao. Lumubog ang mahigit 900 bahay. Naapektuhan din ng baha ang 9.4 libong hektarya na pananim.
Sinimulan Hunyo 7 ng Pambansang Pangkalahatang Pamunuan Laban sa Baha at Tagtuyot ng Tsina ang pangkagipitang level 4 na reaksyon laban sa baha. Ipinadala na ang working group sa Guangxi para tulungan ang lokal na pamahalaan sa pagtugon sa naturang kalamidad.
Ipinadala din Hunyo 11 ang mga materyal sa Guangxi na kinabibilangan ng 3,000 tolda, 3,000 folding beds at iba pa, bilang suporta at tulong sa mga naapektuhan na mamamayan.
Salin: Sarah