|
||||||||
|
||
Kasabay ng pagdaraos ng Cultural and Natural Heritage Day ng Tsina, ipinatalastas kahapon, Sabado, ika-13 ng Hunyo, 2020 ng China Media Group (CMG) at National Cultural Heritage Administration (NCHA) ang magkasamang pagtataguyod ng mga aktibidad pang-media upang ipalaganap ang mga pamanang kultural at relikyang historikal ng bansa.
Lumahok sa seremonya nang araw ring iyon, sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Liu Yuzhu, Puno ng NCHA.
Sinabi ni Shen, na sa loob ng darating na tatlong buwan, gagawin at isasahimpapawid ng CMG ang mga maikling video at ipalalaganap ang mga ito sa pamamagitan ng live streaming.
Ito aniya ay para isalaysay sa mga manonood ang tungkol sa mga pamanang kultural at relikyang historikal ng Tsina, at ipabatid ang kuwento ng mga tauhang nagbibigay-ambag sa pangangalaga ng mga ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |