|
||||||||
|
||
Sa online na seremonyang idinaos kahapon, Sabado, ika-13 ng Hunyo 2020, ipinatalastas nina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG); at Franck Riester, Ministro ng Kultura ng Pransya, ang magkasamang paggawa ng CMG at France Television ng dokumentaryo tungkol sa Taong Peking, na nabuhay 750 libong taon na ang nakararaan sa kanugnog na lugar ng Beijing.
Ang dokumentaryong ito ay bilang pagdiriwang sa kapwa ika-100 anibersaryo ng pagkatuklas ng mga labi ng Taong Peking at taon ng turismo at kultura ng Tsina at Pransya sa 2021.
Ayon sa plano, nakatakdang itanghal ang dokumentaryo sa mga sinehan ng Tsina at Pransya, at mga TV channel ng CMG at France Television, sa huling dako ng 2021.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |